KUNG HINDI UKOL, HINDI BUBUKOL: ISANG KASABIHAN

 

Kung hindi ukol, hindi bubukol: Isang kasabihan


    Ang kasabihan na "Kung hindi ukol, hindi bubukol" ay nangangahulugang kung hindi talaga para sa iyo ang isang bagay, huwag mong ipilit na gawin ito. Dahil kung pagpipilitan mong gawin ang isang bagay, hindi mo ito makakamit. Kahit na anong sikap mo na gawin ang isang bagay na hindi para sa iyo ay masasayang lamang ang mga nilaan mong oras at tiyaga. 


    Halimbawa, pagdating sa taong gusto mong mahalin at mapasa iyo. Kahit na anong pagsusumikap na iyong gawin sa tao na iyon ay kung hindi ka talaga niya binibigyang pansin, ang pinaparating ng taong gusto mo sa iyo ay wala kang pag-asa sa kaniya. Kung hindi ay masasaktan ka lamang at pipilitin mo na lamang na tanggapin ito. Kahit na gaano pa ito kasakit para sa iyo.


    Sa huling sandali, ang nais ding ipahiwatig ng kasabihan na ito ay ang mga bagay-bagay ay mangyayari lamang kung ito ay nakatakda para sa iyo o sa tamang panahon. Ibig sabihin, kung hindi talaga nakalaan para sa iyo, hindi ito magbubunga o magtatagumpay. Kahit gaano man kahirap ang iyong pagsisikap. Ito rin ay isang paalala sa atin, na kahit anong pilit natin, may mga bagay na hindi talaga para sa atin.

LAYUNIN

 

Layunin sa Buhay

    Kung tatanungin mo ako kung ano ang layunin ko, ang unang isasagot ko r'yan ay "Ang pinaka layunin ko sa aking buhay ay makapagtapos ng pag-aaral". Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral sapagkat nais kong maabot ang aking mga pangarap sa buhay. Dahil kung hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral, malaki ang posibilad na hindi ako matatanggap sa trabaho na aking papasukan sa hinaharap. Sa aking pananaw, mahalaga ang edukasyon sapagkat dito natin mahahasa ang ating kakayahan, kaalaman at talento, mas mapapalawak natin ang ating kaisipan, mas mapapatibay natin ang pagkilala sa ating sarili sa pamamagitan ng edukasyon, at dito rin natin matututuhan na maging isang responsableng mamamayan.


    Samakatwid, isa sa mga pangarap ko ay maging isang matagumpay na Pastry Chef. Noong una, ako ay nalilito kung ano nga ba talaga ang gusto ko "in the future", kung maging isang Pastry Chef ba o maging isang Flight Attendant. Habang ako ay nagpapasya, biglang sumagap sa aking kaisipan na kung saan ako magaling at "skilled" na kung saan ay iaayon ko sa aking gustong maging trabaho. Nang matapos ang masinsinang pagdedesisyon, pinal na gusto kong maging isang Pastry Chef sapagkat mayroon akong munting kaalaman at kasanayan sa pagluluto/pagbe-baking. 


    Sa dakong huli, katulad ng sinabi ko sa ikalawang talata na "maging isang matagumpay na Pastry Chef", kapag naging matagumpay ako, gusto kong masuklian ang sakripisyo na ginawa ng aking magulang. Sa kabila niyan, nais ko ring makatulong sa aking kapwa, lalo na sa mga mahihirap upang matulungan din silang umunland. At panghuli, nais ko ring malibot ang iba't ibang panig ng mundo sapagkat mahilig akong makatunghay ng mga panibagong kaalaman ukol sa lugar na aking pinupuntahan.