TAKIPSILIM

 

Litrato kasama ang aking pinaka mamahal na Lola (●'◡'●)


    Para sa aking minamahal na Lola, kung alam mo lang na hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang unang pag-akay mo sa akin habang ikaw ay tumatawa rahil sa tuwa. Hindi ko man ganoon maalala ang ibang detalye habang kasama kita noong ako ay sanggol pa ngunit ang unang pag-akay mo sa akin ang alaala na hinding hindi ko malilimutan. Mula noong ako ay bata pa lamang hanggang ngayon na ako ay dalaga na hindi ka nagsasawang paliguan ako ng nag-uumapaw na pagmamahal. Kahit na ako ang pinaka salbahe sa ating pamilya. 

    Sa kabilang banda, alam mo ba noong nalaman ko na inoperahan ka sa puso noon, lubos akong nalungkot. Naalala ko rin noong bigla kang itinakbo sa ER noong ika-unang araw ng Desyembre taong 2024 at binisita rin kita pagkatapos ng aming klase, hindi ko mapigilang lumuha habang nakatayo sa iyong harap. Sabay sabi mo na "Okay lang ako" pero kitang-kita ko na nagdudusa ka sa sakit noong araw na iyon. 

    Sa kabilang panig, simula rin noong nakita ko ang iyong mga binabayaran na mga mamahaling medisina, hindi ko mapigilang lumuha nang palihim. Dahil nakikita ko sa iyo na nahihirapan ka na rin, at pinoproblema rin na kung saan makakapulot ng pang dagdag na salapi para sa pambili ng iyong mga mamahaling medisina. Dahil sa iyong walang sawang pagmamahal sa akin, nabibigyan ako ng motibasyon na magsipag sa aking pag-aaral at tahakin ang aking mga pangarap tungo sa aking kinabukasan. Alam nating pareho na maikli na lamang ang iyong buhay, ngunit alam kong kakayanin mo pa rin kahit anong hirap dahil alam kong mahal mo ako, ang iyong pinaka mamahal na apo. 


No comments:

Post a Comment