ANG MATAPAT NA KAIBIGAN, TUNAY NA MAAASAHAN: ISANG KASABIHAN

 

Mga litrato kasama ang aking mga kaibigan


    Ang kasabihang "Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan" para sa akin ay pinapahayag nito ang halaga ng katapatan sa pagkakaibigan. Sa madaling salita, ang isang matapat na kaibigan ay mapagkakatiwalaan natin at laging nariyan para sa atin, sa oras ng pangangailangan at kahit man sa oras na ikaw ay nagdudusa rahil sa mga problema.

    Bukod pa rito, kapag matapat ang iyong kaibigan sa iyo, pinapakita rin sa iyo ang kaniyang pagmamahal. At saka, kapag nagsasabi ng mga makatotohanan ang iyong kaibigan kahit gaano man ito kasakit sa kanila at para sa iyo ay nais niya mapatibay at mapatagal ang relasyon niyo bilang pagka-kaibigan. Higit pa rito, kapag matapat ang iyong kaibigan maaasahan mo sila sa lahat ng oras. Kahit man magsabi ka ng matagal mo nang inililihim ay hinding hindi nila ito kayang sabihin at ipagkalat kanino man. 

    Sa madaling salita, ang pagkakaroon ng isang matapat na kaibigan ay parang pag-aari ng isang kayamanan, dahil malalaman nating hindi ka niya pababayaan o iiwan. Ang kaniyang katapatan ay nagdudulot ng kapanatagan at kasiguruhan na lagi siyang nandiyan para sa iyo, maging sa mabuti o masamang panahon man. Dahil alam din ng iyong kaibigan na iyan ay para sa ikabubuti at pagiging tunay niya sa iyo.

No comments:

Post a Comment