KUNG HINDI UKOL, HINDI BUBUKOL: ISANG KASABIHAN

 

Kung hindi ukol, hindi bubukol: Isang kasabihan


    Ang kasabihan na "Kung hindi ukol, hindi bubukol" ay nangangahulugang kung hindi talaga para sa iyo ang isang bagay, huwag mong ipilit na gawin ito. Dahil kung pagpipilitan mong gawin ang isang bagay, hindi mo ito makakamit. Kahit na anong sikap mo na gawin ang isang bagay na hindi para sa iyo ay masasayang lamang ang mga nilaan mong oras at tiyaga. 


    Halimbawa, pagdating sa taong gusto mong mahalin at mapasa iyo. Kahit na anong pagsusumikap na iyong gawin sa tao na iyon ay kung hindi ka talaga niya binibigyang pansin, ang pinaparating ng taong gusto mo sa iyo ay wala kang pag-asa sa kaniya. Kung hindi ay masasaktan ka lamang at pipilitin mo na lamang na tanggapin ito. Kahit na gaano pa ito kasakit para sa iyo.


    Sa huling sandali, ang nais ding ipahiwatig ng kasabihan na ito ay ang mga bagay-bagay ay mangyayari lamang kung ito ay nakatakda para sa iyo o sa tamang panahon. Ibig sabihin, kung hindi talaga nakalaan para sa iyo, hindi ito magbubunga o magtatagumpay. Kahit gaano man kahirap ang iyong pagsisikap. Ito rin ay isang paalala sa atin, na kahit anong pilit natin, may mga bagay na hindi talaga para sa atin.

No comments:

Post a Comment